BenLopez
11-04-2003, 03:03 AM
Ok, do you agree with this guy's observation?
AKO AY PILIPINO
Ako ay Pilipino, taas noo kahit kaninino.
Ano ba talaga ang Pinoy??? Kung iisipin mong mabuti
ay..
ang pinoy ay isang halo-halo na tao.
May kaunting aeta, kaunting chinese, kaunting
kastila, etc. etc.
Ang problema sa pinoy ay mayroong tinatawag na "Class
RACISM".
Hinihiwalay ang tao sa A, B, C, o D.
Bato bato sa langit, tamaan huwag magalit.
Ang A ay yung mga lumang yaman. Mga apilido nila ay
Ayala, Lopez, Soriano. Nakapasok rin dito ang mga bagong
yamang chinese tulad nina Concepcion, Tan, Gokongwei,
Cojuangco.
Hindi yan nagkokotse (natatakot na makidnap). Naka
helicopter yan papunta sa opisina. Kung nakakotse
(Range Rover o S class na Chedeng o 7 series na BMW) ay
may bodyguard na kasama.
Ang mga damit niyan ay mamahalin pero walang tatak na
kilala ng karaniwang tao dahil sa Europa lang nabibili.
Hindi na nila kailangang magyabang ng damit dahil alam
na ng tao na mayaman sila. Ang mga anak nila ay nagaaral
sa mamahaling eskwelahan (Ivy league ikanga)
sa Tate o UK.
Ang problema lang sa mga ito ay kahit tinatawag nila
ang sarili na Pinoy, ang mga TAI PAN ay hindi pumapayag
na magasawa ang mga anak nila sa mga hindi chinese.
Maraming mga T.H. na gustong sumama dito, karaniwan
ay mga pulitiko, crony, artista, ibang balikbayan (na
dahil galing lang tate ay akala mo na kung sino, burgis...
I know there are millions of ilocanos abroad.
What's your two-cent on this part? :lol:
.... Mga class B lang ang mga yan kahit na may pera.
Mahilig ang Class B sa mga damit na mamahalin at
may pangalan na nakatatak sa malalaking letra tulad ng
POLO o di kaya ay DKNY o yung maliit na buhaya sa dibdib.
Ang gusto nila sa sapatos ay yung may pangalan din tulad ng
GUCCI o FERRAGAMO o COLE-HAAN. Mahilig silang maglakad na
may nakakabit na telepono sa sinturon para masabing
importante daw sila o may kaya sila. Mahilig gumimick
ang mga class B dahil hindi sila natatakot
lumabas at makidnap.
Makikita ang mga yan sa d FORT o di kaya sa Makati Ave
sa mga magara nilang sasakyan na galing sa Hapon o Alemanya.
Mahilig sila sa Kape na napakamahal. Hindi uubra diyan ang
Great Taste o Nescafe. Karaniwan ay
ang mga anak nila ay nasa tinatawag na "exclusive
schools", kung bakit ganyan ang tawag ay hindi ko alam.
Exclusive kanino? Sa may pera siyempre. TAG Heuer ang
relos na pinipili nito, Kung mas may kaya ay Rolex o Cartier.
Mahilig ang mga yan na magsalita ng Ingles, kahit kausap
nila ang tindera sa Shoemart (kung magpapakita sila na
pumupunta sila sa loob ng tindahan na ito na para sa Class C)...
? ? ? ? ? :?: :?: :?:
... Ang Class C ay ang mga karaniwang tao, hindi naman
squatter pero hindi kayang magaksaya ng pera sa mga
katarantaduhan tulad ng cerveza na imported,telepono na
nadadala (cell phone ika nga), damit na may tatak.
Maswerte na ang C kung may kotse sila, minsan
nakakabili ng gamit na gawang Hapon o kung may tulong
galing sa isang kamaganak sa tate ay bagong gawang hapon na
kotse.Hindi kaya ng C ang kotseng galing Europa o yung mga
tinatawag na SUV. Ang mga damit naming may pangalan ay galing
sa Divisoria (ie:PEKE) at Tiangge ng Greenhills at hindi sa
Makati o Hong Kong.
Mahilig rin gumimick ang mga taga C, pa sine sine,
manood ng concert, kumain sa Jolibee, pumunta sa beerhouse.
Masyadong mahal yung mga d FORt para sa kanya. Timex/ Casio/
Seiko ang kayang bilhin na relos.
Maraming C gustong maging B. Hindi na nila inaasam
na maging A dahil alam nilang imposible ito (kahit
manalo sa lotto)....
And Finally...
... Ang pinakamalaki ay ang Class D. Dito nangampanya si
ERAP nung eleksyon kaya nanalo. Yan ay si Juan dela
Cruz sa kalye na isang kahig isang tuka. Sila ang naaapi,
at mas lalong nahihirap
dahil sa systema ng gobyerno natin na "patronage system"
Kahit sumigaw tayo hanggang mapaos ay walang
mangyayari sa gobyerno natin. Masyadong nasisilaw sa
pera ang tao, kahit maganda ang intensyon niya sa pagpasok sa
Gobyerno. Hindi ko masasabi na hindi rin ako magbabago
kung naging senador o congressman ako (panaginip).
Ano ang solusyon???--- Hindi ko alam. Ang magagawa
ko lang ay ang pagrespeto sa lahat ng tao kesa ABC o D
ka. Wala akong pakialam kung anak ka ng senador na nagaaral sa
La Salle o batang kalye.
Respeto lang sa isa't isa kababayan. Wala nang
patawag tawag na "baduy" ang isang tao o "walang
class".
Now, which Filipino social class (according to this guy) do think you belong to?
A, B, C wenno D?